Scarred
Society’s obsession with flawless beauty for women is severely overrated.
That bitter observation being said, let me tell you about how my many scars tell colorful stories and how they have helped me build character.
Alam nyo yung commercial not so long ago on multivitamins? May batang tinutukso na lampayatot. Well… ganun ako, except that HINDI ako payatot. (Side note lang. Kung lumaki ka sa 80s or 90s alam mo yung chant na, “girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy.” Yung kapatid ko parati yung butiki. Ako yung baboy.)
Anyway, isa akong lampa.
Bata pa lang ako narealize ko na ito. Kaya kong magsprint, pero tiyak na susubsob ako sa humps, o kaya sa gate ng kapitbahay. Kaya kong umakyat ng bubong para kunin yung bolang na-itsa papunta dun, pero magagasgasan muna ko sa alulod. Kaya kong mag-bike hanggang sa kabilang village, pero dudugo muna yung binti ko dahil nasabit sa pedal.
Kaya madami akong peklat at pekas sa binti, sa siko, at sa kung anu-ano pang parte ng katawan. Kinailangan pa ng nanay kong bumili ng sebo de macho para mabawasan ang mga “bentsingko” ko.
Nung 6 years old ako, may birthday party yung kapitbahay namin. Ang tatay kong pilyo, pinepressure ba naman akong mag-uwi ng pagkain galing sa party. Hindi daw niya kami papayagan mag-attend kung hindi kami magpropromise na uuwian siya ng spaghetti, lumpia, at cake. Syempre ngayon alam kong nagloloko lang siya dahil paborito niya talagang asarin, biruin at paiyakin ang mga anak niya (hanggang ngayon, actually). Pero noon, hindi ko ma-take na pinipilit ako ng sarili kong amang mag-astang patay gutom sa birthday party ng kapitbahay namin! Mahiyaing bata pa naman ako. At alam kong may kakapalan ng mukhang involved dun sa pinapagawa niya sa akin.
So hindi ako pumayag. I put my 6-year old foot down. Sabi ko, ayoko nga, dyahe! Sabi nya, o sige, bilhan mo na lang ako ng isang litrong Coke sa sari-sari store.
Sabi ko, o siya siya, para manahimik ka na! So I stomped off to the nearest neighborhood sari-sari store na may dala-dalang bote ng Coke para hindi na magbayad ng deposit. Malamang ay umuusok pa ang tenga ko nun sa galit kasi natapilok ako, nabasag ang bote, at dumanak ang dugo. Sa lakas ng ngawa ko, kumaripas ng takbo ang nanay ko, dinampot ako at kinarga paloob ng bahay. Ayun, may sugat ako sa kaliwang siko. Pinasukan pala ito ng bubog ngunit anim na buwan pa bago na-detect. By that time, nagtravel na ang bubog kaya may isa pa kong peklat one inch away from the original sugat kung saan nakuha finally ang bubog.
Kahit sa pagtanda ko, hindi ko na na-outgrow itong kalampahang ito. Madalas akong mahulog sa hagdan, matapilok sa kalsada, madulas pag umuulan, kamuntik nang sumubsob sa puno… Minsan may sugat, minsan wala. Dahil nagkaroon na ko ng kaunting health consciousness, nagwawalking ako kasama ang tatay ko every now and then. Sa isang oras at kulang kulang apat na kilometrong nilalakad namin, mga apat o limang beses lang naman akong natatapilok at isa o dalawang beses na kamuntik nang mabubundol ng scooter. Nung isang buwan nga lang, sumalumpak ako sa gitna ng
But wait there’s more. Hindi lang naman kalampahan ang puno’t dulo ng aking mga scars.
Noong 24 years old ako, I broke my promise to myself never to have chicken pox. Noong unang dalawang araw, hindi ko pa alam na bulutong na pala yun. Akala ko pimples lang yung tumutubo sa mukha ko. So mega kuskos naman ako habang naghihilamos. Putik, bawal pala kamutin ang bulutong! Kaya ayan, mayroon na akong pseudo-cleft chin sa mukha.
Habang nagbabar review naman, madalas kong isinasandal ang kanang braso sa edge ng lamesa habang nag-aaral. E siguro nabubukbok na yung kahoy at nairita ang balat ko. So nagkaroon ako ng peklat na perpetually mukhang pasa.
OO nga pala, tinanggalan na rin ako ng appendix at gallbladder. In the middle of surgery, at siguro dahil sa tindi ng pagmumura ng doktor ko (shocked na shocked siya sa “internal state of affairs” ko), nagising ko. Hindi ko malilimutan ang experience na yun dahil:
1. Nakakarinig ako ng tumatalsik na dugo (don’t ask me the details; basta yun ang naiimagine kong naririnig ko);
2. Puro “punyeta” lang ang nasasabi ng doktor kong sosyal; at
3. Ikaw ba naman magising while you’re sliced in the middle, makakalimutan mo pa ba ang moment na yun?
All told, bagama’t masaklap ang pagkakakuha ko ng aking mga peklat, wala naman akong pinagsisihan. Una, may pang-emotional blackmail ako sa tatay ko. Pangalawa, nag-enjoy pa rin ako sa kabataan ko. Hindi naman ako pinagbawalang maglaro. Parati nga lang may stock ng band-aid, betadine, agua oxinada at sebo de macho sa bahay namin.
Minsan, source of bonding din ang kalampahan ko. Dahil hindi kami matigil sa kakatawa ng friends ko matapos kong “sumalumpak” sa
Tsaka, at least hindi ko na kailangan i-quarantine ang future kids ko pag nagka-bulutong sila. Pwede ko na silang alagaan. Mayroon na rin akong semi-kinda-sorta cleft chin na pinalalagay lang ng iba dyan. Wala na rin akong appendix na kailangan kong alalahanin.
Hayup sa rationalizing, diba?
